BAHAGHARI
Sa isang bayan malapit sa Batis Malinaw, ay may tatlong mag kakaibigan. Si Hermione, Peter at Ron. Ito ang lugar na tinatawag na Bayan Aksaya. Ang mga tao daw dito ay aksayado sa kuryente kakalaro ng mga digital Technology tulad ng computer, PSP, cellphones at iba pa. Higit pa dun, ginagamit nila yun sa mga hindi magagandang bagay tulad ng panloloko, pag punta sa mga pornsites at marami pang iba. Ang iba naman tulad nang tatlong magkakaibigan ay pinahahalagahan ang mga bagay na iyon na alam nilang makakabuti sa kanila. Mabuti na nga lang hindi lahat ng tao sa Bayan ng Aksaya ay aksayado at walang pakialam sa mga bagay bagay sa mundo. Isang araw, habang magkakasama ang tatlong bata, napag usapan nila ang ugali ng mga tao sa kanilang Bayan. “ Bakit ganoon ang mga tao sa atin?” , wika ni Hermione. Sabi naman ni Ron “ Anong bakit ganoon ? Okay nga mga tao sa atin eh, pawing mayayaman !”. “ Ayun na nga ang problema eh, nagigi silang masyado aksayado sa mga bagay na may roon sila !” sabi ni Hermione. “ Ayun rin ang napapansin ko, wala silang magawa sa buhay nila !”, wika ni Peter. Patuloy na nag isip an gang tatlong mag kakaibigan. Nag salita si Peter “ Bakit ba nating pinag aaksayahan natin yang mga taong yan ? Isipin na lang natin ang mga sarili natin. Halina’t tayo nang mag laro ! “. Sumang ayon naman lahat sa panukala ni Peter. Naglaro na nga ang tatlong bata. Pagkatapo nilang mag laro, sila ay tumungong batis upang magtampisaw at maligo. Sayang saya silang tatlo. Maya maya lang ay naramdaman nila ang isang malakas na paglindol kaya napatakbo silang tatlo pahilaga ng batis. Hindi nila namalayan na napalayo na pala sila sa kanilang bayan at hindi nila alam ang daan pabalik sa sobrang kaba. Inabot na sila nang dilim kakahanap ng daan pabalik sa kanilang bayan. Habang naglalakad sila sa madilim na gubat kung saang sila napadpad, nakita nila ang isang matanda na hirap sa paglakad. Kahit natatakot sila, tinulungan nila ang matanda. “Lola, saan po ba kayo patutungo ?”, wika ni peter habang akay akay ang matanda. “ Doon ako pupunta sa may kubo kung saan ako nakatira ! Maaari nyo ba akong ihatid ?”, sabi nang matanda. “ Oo naman po !” sabi ni Ron. Nang sila’y makarating sa kubo na sinabi ng matanda, pinatuloy siya nito. Tinanong ng matanda kung bakit siya napadpad dito, sinabi nila na napatakbo sila dahil sa lindol na nangyari kanina. Pinaalalahanan ng matanda ang tatlong bata na mag ingat sila dahil magkakaroon ng kakaibang pagbabago sa kanilang bayan. Binigyan niya ang tatlong bata ng 3 mga bato. Kumikinang na parang isang Kristal. Ang tatlong bata ay mangha mangha. Sinabi rin ng matanda na magpabukas na sila dahil mapanganib na sa gubat.
Kinabukasan, nagising silang tatlo na nasa harap ng batis kung saan sila naglalaro hawak hawak ang tatlong bato. Takang Taka ang tatlong bata. Magkakasama silang tatlo papauwi. Habang naglalakad sila, nakita ni Peter na nag aaksaya na naman ang mga tao sa kanila na akala mo ay napakayaman. Muli nilang naaninagan ang matanda. Bigla na lamang dumilim ang kalangitan, na parang may padating na unos. Kumulog at kumidlat pero parang binalewala ng mga tao ang pangyayaring iyon. Nagalit ang matanda. Sinumpa niya na ang mga bagay na inaaksaya nila tulad nang computer, PSP, cellphones at marami pang iba ay magkakaroon ng buhay na parang kung sa iba ay high tech na hindi nila maaksaya nang muli. Muling kumulog at kumidlat. Ang mga computer ay nakakapagsalita, nakakapagtype ng sarili at nakakapagprint ng sarili. Ang mga PSP naman ay kayang kumontrol ng Character ng mga laro at ang cellphone naman ay nakakapagsalita rin at nakakapagpicture ng sarili. Nagkagulo ang mga tao sa Bayan Aksaya. Nang nag take ng picture ang cellphone sa mga tao, ang mga taong nakuhanan ay napunta sa loob ng cellphone na parang mga imahe. Ang computer at PSP naman, lahat nang piniprint at nilalaro nito ay nagkakatotoo. Walang magawa ang mga tao. Napakaraming pinirint nang computer na nagsasalita tulad nang mga character sa dota na nagkatotoo at ang mga inaatake naman nito ay ang mga kabataang pabaya sa pag aaral na ang dinadahilan ay na aadik sa dota. Ang PSP naman na ang laro ay mga pokemon ay nagtransform rin at halos ang mga inaatake ay lahat ng tao. Marami pa ring mga tao ang nagyayabang at binalewala ang pag atakeng iyon. Samantala, palaisipan parin sa mga bata kung paano makatutulong ang mga batong ibinigay ng matanda sa mga pangyayaring iyon kung kaya’t ang ginawa na lang nila ay pumunta sa kubo ng matanda kung saan sila binigyan ng bato. Nakita nila ang matanda na meron pa lang itim na kapangyarihan. Kinokontrol nito ang mga bagay na sinumpa niya. Pinapanuod ng tatlong bata ang matanda. Muli na naming naghudyat ng pag atake ang matanda. Hindi napigilan ng tatlong bata na patigilin ang matanda. Nakita ng matanda ang mga bata. Inilabas ng matanda ang kanyang tungod na may lalagyan ng tatlong bato. Ang tawag pala sa batong iyon ay Horcrux kung saan nakatago pa ang iba pang mga masasamang teknolohiya na maaring maghasik pa nang kasamaan. Iyon lang ay mangyayari kung mapagsasama sama ang tatlong bato kasama kung tungkod ngunit kung hindi ay nag bibigay ito ng kahilingan na maging ang matandang iyon ay hindi kayang pigilan ngunit iyon ay kapalit ang kanilang buhay. Ngunit sa hindi inaasahang pag kakataon ay naglabasan ang mga Karakter ng Dota sa utos ng matandang si Felicia. Dahil doon, nagkahiwa hiwalay ang tatlong bata at ang naiwan sa matanda ay si Hermione. Si Peter sa mga karakter ng Dota at si Ron naman upang iligtas ang mga mamayan. Sunod Sunod ang palitan ng atake ng dalawang panig. Hindi nila matalo talo ang matandang si Elicia at ang mga Teknolohiya nito.
